Tuesday, November 5, 2013

Mag-PETIKS sa Panahon ng Bagyo



Normal na sa Pilipinas ang madaanan ng humahagupit na bagyo. Para na itong pasko na taon-taon ay nangyayari at inaabangan ng tao. Baha, Brown out at Bubong ang karaniwang problema ng mga pinoy sa ganitong mga pagkakataon.

Kaya naman dapat tandaan ang PETIKS

Pagkain
Emergency Kit
Tubig
Ilaw
Komunikasyon
Sarili



1. PAGKAIN

Mag-imbak ng pagkain na sasapat sa loob ng isang linggo para sa buong pamilya

  •  Pagkaing hindi madaling mabulok, masira o mapanis
  •  Pagkaing hindi na kailangang i-freezer o i-ref
  •  Pagkaing hindi kailangang lutuin ng matagal
  • Halimbawa ng pagkain ay tinapay (Putok, Pandesal, Loaf Bread), delata (Sardinas, tuna, ready-to-eat meat loaf at cornedbeef), gulay (Mais, Camote, Patatas)
5. EMERGENCY KIT

Maghanda ng Balsa o bangka, floater, kapote, helmet, bota at lubid

  • Magsuot ng bota lalo na sa mga mapuputik at maduduming lugar
  • Magsuot ng Helmet kapag lalabas ng bahay at sobra ang lakas ng hangin upang maiwasan ang mga nagliliparan at naglalaglagang bagay
  • Maghanda ng kahit anong pampalutang tulad ng malaking plastik ng softdrinks na may takip at walang butas, styrofoam, salbabida at bola ng basketball
  • Maraming pag-gagamitan ang lubid gaya ng panghatak at pangkapit
  • Maghanda ng bulak, anti-septic, band aid, gasa at gamot sa lagnat pambata at pang matanda

2. TUBIG

Mag-imbak ng malinis at maiinom na tubig na sasapat sa isang linggo para sa buong pamilya

  • Bumili ng disposable plates, spoon and fork para hindi na kailangan pang mag-hugas
  • Tiyaking may sapat na damit para sa 1 linggo para hindi na kailangan maglaba
  • Maligo sa ibabaw ng planggana para masalo ang tubig na maaaring magamit pa sa inidoro
  • Mag-imbak ng tubig na maiinom sa loob ng isang linggo


3. ILAW

Maghanda ng kandila, gasera, flashlight, emergency light, flare o generator

  • Tiyaking ang posporo ay hindi mababasa at may sapat na gas o battery para sa isang linggo
  • Gamiting may pag-iingat ang kandila at gasera


4. KOMUNIKASYON

Maghanda ng sim card, extra battery, de battery na radio at sipol

  • Maghanda ng sim card ng magkakaibang network para mapanatili ang komunikasyon kahit magkaroon ng problema (Tiyakin na may open line na cellphone)
  • Tiyaking may sapat na load at tipirin ang paggamit nito
  • Gamitin lamang ang cellphone sa mahahalagang bagay at tiyaking nakacharge hanggang sa mag-brown out upang tumagal ang baterya
  • Maghanda ng sipol upang makakuha ng atensiyon sa importanteng pagkakataon
  • Tumutok sa balita sa TV o Radio
  • Ihanda ang mga emergency hotlines


6. SARILI

Ihanda mo ang iyong sarili at maging alerto

  • Makibalita kung gaano na kataas ang baha, saang kalsada ang pwedeng daanan, saan pwedeng lumikas kung sakaling tumindi ang bagyo
  • Maging kalma upang makapag-isip ng maayos
  • Iwasan ang maglasing upang makakilos ng maayos at mabilis sa oras na kailangan
  • Itaas ang mga gamit na maaaring abutin ng baha
  • Takpan ang butas ng bubong bago pa man dumating ang bagyo
  • Ilikas ang iyong mga alagang hayop sa lugar na hindi sila mababasa at lalamigin
  • I-park ang sasakyan malayo sa puno, poste ng kuryente, billboard at baha


Share this post to save lives.


No comments:

Post a Comment