Friday, November 15, 2013

Kuwentong Bear Brand - Bagyong Yolanda

Nakakaantig na istorya sa gitna ng trahedya

Galing sa facebook account ni OJ Trance Atilano at mula sa www.talk.ph

Bear Brand Real Story




Monday, November 11, 2013

Aftermath-Bagyong Yolanda (Typhoon Haiyan)

Photo: from ibtimes



Narito ang website ng Rappler na makakatulong sa inyo sa pagbigay ng sitwasyon sa mga bukas na airport, connection ng Kuryente, communication line at bilang ng mga kababayan nating namatay.

http://www.rappler.com/move-ph/issues/disasters/typhoon-yolanda/43350-aftermath-yolanda-what-we-know


Ayon sa Rappler, as of 12:34am Nov 11, 2013

Ang estimated na namatay sa Leyte ay 10,000 katao. Sa Eastern Samar tinatayang 200 din ang namatay. sa Samar ay 300 ang namatay at may 2,000 pa ang nawawala at hindi matagpuan.



Para makita ang official list ng casualties ay puntahan po ang website na ito.
http://www.gov.ph/crisis-response/updates-typhoon-yolanda/casualties/

Dumagsa ang mga donasyon mula sa iba't ibang bansa at organisasyon:

Donations (Php):


UAE:            423,720,000
UK:              414,000,000
Australia:      407,000,000
Canada:        206,000,000
Holland:        115,000,000
UN:              86,000,000
Denmark:      77,500,000
USA:             43,000,000
New Zealand: 36,550,000
Germany:      28,900,000
UNICEF:       21,500,000
Singapore:       1,290,000

Samantala, pinapangunahan na ngayon ng Estados Unidos ang pamimigay ng kumot at pansamantalang mga tirahan, pagkain at malilinis na tubig na inumin.


Sa mga gustong mag-donate at hindi alam kung saan lalapit, puntahan ang website na ito.
http://mashable.com/2013/11/10/help-victims-typhoon-haiyan/




Kilalanin si Regghie Mendoza Orpiada


“People think that a liar gains a victory over his victim. What I’ve learned is that a lie is an act of self-abdication, because one surrenders one’s reality to the person to whom one lies, making that person one’s master, condemning oneself from then on to faking the sort of reality that person’s view requires to be faked…The man who lies to the world, is the world’s slave from then on…There are no white lies, there is only the blackest of destruction, and a white lie is the blackest of all.” 
― Ayn RandAtlas Shrugged



Kumalat ang balita tungkol sa rude na komento ni Regghie Mendoza Orpiada (Fake Account).



Ito ang larawang pinost ng OPM MEME sa facebook na hindi muna pinag-isipan kung totoo ba o hindi.



Paninirang puri lang ba ito o may isang taong gustong makilala at sumikat tulad ni Devina Dediva?



Ang picture sa pinakataas ay nagmula dito kay Mai Militante. At ang rude comment ni Regghie Mendoza Orpiada (fake account) ang naging daan para siya ay pagkaguluhan sa facebook.


Totoo bang Iglesia ni Cristo si Regghie Mendoza Orpiada? Malalaman lamang ito sa kanyang mga malalapit na kaibigan at kamag-anak. Pero ayon sa orihinal na Regghie Twitter account (@redgeontherocks), siya ay isang katoliko. Ang fake account daw ang patuloy na nagkakalat ng rude comments Pero hindi mahalaga kung anuman ang relihiyon niya dahil ang pagsasalita ng ganun ka-rude ay bunga ng isang hindi normal na pagpapalaki at magagawa lamang ng taong may poot at may planong pagwatak-watakin ang mga pilipino at higit sa lahat siraan ang INC at iba pang personalidad. Kung totoo man na INC siya ay madadamay niya ang kanyang samahan. Kung titingnan naman ng iba, masisira din ang reputasyon ng mga Bisexual dahil sa kanyang mga pananalita na hindi kaaya-aya. Hindi lahat ng Bisexual ay ganun ang pananalita at gayun din naman, hindi lahat ng INC ay ganun ang asal.




Bilang isang mamamayang Pilipino ay may karapatan siyang mag-komento at magsalita. Ang pinaka-ugat ng Rude Comment ni Regghie Mendoza Orpiada ay yung gumawa ng picture na ito na sinamantala ang pagkakataon para makapanira sa kanilang kapwa. Hindi ang fake account ni regghie ang pinaka-dahilan. Ang Pinaka^dahilan ay ang gumawa ng picture na ito sa baba. Walang ibang hangad ang taong ito kundi sirain ang pangalan ng totoong regghie.

Ang nag-edit ng picture na ito ang ugat ng gulo na sinapit ni Regghie

Si Regghie (Fake account) ay kilala bilang isa sa mga top commenter sa iba't ibang sites. Ang ilan sa mga komento niyang rude ay makikita sa kanyang twitter account.



Maging si Atom Araullo, Sharon Cuneta at Anne Curtis ay naabot ng kanyang komento.




*You're






Kung pag-aaralan maige, ginamit lang ang komento ni Regghie Mendoza Orpiada (Fake Account) para makapanira ng ibang tao. Likas na sa kanya ang maging mapanglait ngunit ang taong nagpakalat ng maling impormasyon (OPM MEME sa Facebook) para lamang makakuha ng maraming likes at shares ang nagpalaki ng isyung ito.

Ang mahirap sa ilang gumagamit ng internet ay naniniwala agad at di muna sinusuri. Gaya na lamang ng pagkamatay ng sikat na Komedyanteng si Dolphy, bago siya pumanaw ay mga 4 na beses napabalitang siya ay namatay na, gayun buhay pa siya at malakas.

Imbis na mag-siraan ay dapat na magka-isa ang lahat sa mga ganitong pagkakataon. Hindi biro ang dulot ng bagyong Yolanda sa ating mga kababayan. Hindi dapat gawing biro ang buhay ng mga tao. Minsan ay Foul na ang lumalabas sa ating bibig at tinatype ng ating mga kamay gaya na lamang ng issue tungkol kay Vice Ganda at Jessica Soho at ang kamakailan lang na issue kay Arnold Clavio at Attorney ni Janet Lim-Napoles.





“People think that a liar gains a victory over his victim. What I’ve learned is that a lie is an act of self-abdication, because one surrenders one’s reality to the person to whom one lies, making that person one’s master, condemning oneself from then on to faking the sort of reality that person’s view requires to be faked…The man who lies to the world, is the world’s slave from then on…There are no white lies, there is only the blackest of destruction, and a white lie is the blackest of all.” 
― Ayn RandAtlas Shrugged

Tuesday, November 5, 2013

Mag-PETIKS sa Panahon ng Bagyo



Normal na sa Pilipinas ang madaanan ng humahagupit na bagyo. Para na itong pasko na taon-taon ay nangyayari at inaabangan ng tao. Baha, Brown out at Bubong ang karaniwang problema ng mga pinoy sa ganitong mga pagkakataon.

Kaya naman dapat tandaan ang PETIKS

Pagkain
Emergency Kit
Tubig
Ilaw
Komunikasyon
Sarili



1. PAGKAIN

Mag-imbak ng pagkain na sasapat sa loob ng isang linggo para sa buong pamilya

  •  Pagkaing hindi madaling mabulok, masira o mapanis
  •  Pagkaing hindi na kailangang i-freezer o i-ref
  •  Pagkaing hindi kailangang lutuin ng matagal
  • Halimbawa ng pagkain ay tinapay (Putok, Pandesal, Loaf Bread), delata (Sardinas, tuna, ready-to-eat meat loaf at cornedbeef), gulay (Mais, Camote, Patatas)
5. EMERGENCY KIT

Maghanda ng Balsa o bangka, floater, kapote, helmet, bota at lubid

  • Magsuot ng bota lalo na sa mga mapuputik at maduduming lugar
  • Magsuot ng Helmet kapag lalabas ng bahay at sobra ang lakas ng hangin upang maiwasan ang mga nagliliparan at naglalaglagang bagay
  • Maghanda ng kahit anong pampalutang tulad ng malaking plastik ng softdrinks na may takip at walang butas, styrofoam, salbabida at bola ng basketball
  • Maraming pag-gagamitan ang lubid gaya ng panghatak at pangkapit
  • Maghanda ng bulak, anti-septic, band aid, gasa at gamot sa lagnat pambata at pang matanda

2. TUBIG

Mag-imbak ng malinis at maiinom na tubig na sasapat sa isang linggo para sa buong pamilya

  • Bumili ng disposable plates, spoon and fork para hindi na kailangan pang mag-hugas
  • Tiyaking may sapat na damit para sa 1 linggo para hindi na kailangan maglaba
  • Maligo sa ibabaw ng planggana para masalo ang tubig na maaaring magamit pa sa inidoro
  • Mag-imbak ng tubig na maiinom sa loob ng isang linggo


3. ILAW

Maghanda ng kandila, gasera, flashlight, emergency light, flare o generator

  • Tiyaking ang posporo ay hindi mababasa at may sapat na gas o battery para sa isang linggo
  • Gamiting may pag-iingat ang kandila at gasera


4. KOMUNIKASYON

Maghanda ng sim card, extra battery, de battery na radio at sipol

  • Maghanda ng sim card ng magkakaibang network para mapanatili ang komunikasyon kahit magkaroon ng problema (Tiyakin na may open line na cellphone)
  • Tiyaking may sapat na load at tipirin ang paggamit nito
  • Gamitin lamang ang cellphone sa mahahalagang bagay at tiyaking nakacharge hanggang sa mag-brown out upang tumagal ang baterya
  • Maghanda ng sipol upang makakuha ng atensiyon sa importanteng pagkakataon
  • Tumutok sa balita sa TV o Radio
  • Ihanda ang mga emergency hotlines


6. SARILI

Ihanda mo ang iyong sarili at maging alerto

  • Makibalita kung gaano na kataas ang baha, saang kalsada ang pwedeng daanan, saan pwedeng lumikas kung sakaling tumindi ang bagyo
  • Maging kalma upang makapag-isip ng maayos
  • Iwasan ang maglasing upang makakilos ng maayos at mabilis sa oras na kailangan
  • Itaas ang mga gamit na maaaring abutin ng baha
  • Takpan ang butas ng bubong bago pa man dumating ang bagyo
  • Ilikas ang iyong mga alagang hayop sa lugar na hindi sila mababasa at lalamigin
  • I-park ang sasakyan malayo sa puno, poste ng kuryente, billboard at baha


Share this post to save lives.


Sunday, November 3, 2013

Chance to Win 8 Bob Ong Books!





Isa ang mananalo ng walong libro ni Bob Ong!



ABNKKBSNPLAko?!
Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?
Ang Paboritong Libro ni Hudas
Alamat ng Gubat
Stainless Longganisa
Macarthur
Kapitan Sino
Ang mga Kaibigan ni Mama Susan
Lumayo Ka Nga Sa Akin



Paano sumali?

1) I-like ang official page ng Trend Pinoy sa facebook
2) I-like at I-share ang post na nasa baba


https://www.facebook.com/photo.php?fbid=319813778160838&set=a.319813774827505.1073741828.319770834831799&type=1



Isa lamang ang mapalad na mapipili!
Pipili at i-aannounce ang mananalo sa December 20, 2013. Kokontakin ang mananalo dito sa facebook. Maaaring sumali ang kahit na sino maging ang mga labas ng Pilipinas.

----------------------------------

Pagpili ng mananalo:

Gagamitin ang

http://www.fanpagekarma.com/facebook-promotion

sa pagpili ng magwawagi ng 8 libro ni Bob Ong!

1) Pipili sa isa sa mga nag-like ng post na ito
2) I-checheck kung ni-like ang Official Page ng Trend Pinoy
3) I-checheck kung shinare ang post na ito

Pag na-confirm ang 3 bagay na ito. Presto sa iyo na ang libro! Kung hindi naman nagawa ang isa sa tatlo ay uulitin ang proseso sa paghanap hanggang sa makasumpong ng nakatugon!

I-aannounce sa page na ito ang mananalo sa nasabing petsa sa itaas. Kokontakin ang mananalo at ipapadala sa address ng kanyang tirahan maging saang panig pa man sila ng mundo ng walang gagastusin sa shipping fee!

-----------------------------------------------------------------------------
“Think before you speak. Read before you think.”
― Fran Lebowitz, The Fran Lebowitz Reader




-----------------------------------------------------------------------------





Para sa mga katanungan,
e-mail---------> trendpinoy@yahoo.com
Sponsored by: trendpinoy.blogspot.com